

Para sa akin, ‘yan ang ibig sabihin ng ‘M.U’. Magulo. As in. Para bang yung kapag andyan siya, kayo, pag wala, hindi. Ganun. Yung ‘ILOVEYOU’ ngayon, bukas hindi. ‘Yan ang kumplikado. Mutual ng feeling pero dahil hindi nyo ma explain yung feeling na yun, nagiging magulo. Ang nararamdaman, mutual pero ang usapan, magulo. Pero kahit gaano pa man ‘yan kagulo, ang mahalaga naman ay pareho kayo ng nararamdaman. Hindi nyo man ‘yun ma-explain, at least alam nyong ‘yun ay ang tinatawag nating, LOVE. ッ
photo credit: http://inspiring-pictures.com
(Source: happykrissy)
One year, nine months and 9 days to be exact. ‘Yan ang range ng status kong ‘single’. Masaklap. Sayang. 3 years na sana kami. Kaso hindi na kinaya. Pagkatapos ng mahaba habang pagmo-move on ko, parang nakalimutan ko ng magmahal. Yun bang hindi mo na alam kung paano maging sweet. Yung maging isang ‘girlfriend’ sa isang relasyon. Sa loob ng isang taon at mahigit, may ilan ding sumubok kaso ako ang problema.. at syempre naman pati sila kasi weak sila. Lalo na yung ilan na alam yung past ko kaso imbes na intindihin ako, isinusumbat pa nila na mahal ko pa daw ang Ex ko. So ‘pag binusted ka na, dahil mahal pa rin ang Ex, ganun? Hindi din. Sa mga taong tulad ko, I had a hard time moving on, yes. Pero dahil sa sobrang nasaktan ako, may trauma na din ako pagdating sa pagpasok sa isang relasyon. Gaano man kasakit, hindi ko pipiliing manggamit ng iba para lang makalimot. Not again. I just need more time to think and to enjoy myself as well para kapag ready na ulit ako, ishe-share ko nalang ang mga discovery ko about sa sarili ko. I should learn to love myself first before others, it’s not selfishness, it’s called SELF-RESPECT. So may makaka-tiyagang mag-antay sa akin until I’m ready, not bad. I can assure you, you’ve got a big chance and I promise, once you enter into my life, I will never let you go. Not unless you give me up and you want me to do the same. But it depends. So, please teach me how to ❤ AGAIN ッ
Nakakainis na din sa twitter no? Pati dun wala ng PRIVACY. Parang facebook na lang din na di mo masabi ang gusto mo. Maya-maya kasi may matatamaan. Naku. Ewan. Nakaka-walang gana lang magpost at mag-tweet. I want something private. Yung mysterious ba. So I’m thinking, gagawa na din ako ng bagong twitter account for this blog kapag naging consistent ako sa pag-uupdate. Ü
Ito na ata ang pinaka-gasgas kong linya sa tuwing nag-aaway kami ng Nanay ko. Palagi nya kasing isinusumbat sa akin ang sasabihin daw ng ibang tao kapag may ginawa akong kalokohan tulad na lamang kapag umuuwi ako ng late o kaya naman eh kapag puro mga lalake kasama ko. Madalas kong sabihin ‘to sa tuwing nag-aaway kami ng Nanay ko. Pero na-realize ko, ako din naman eh masyado akong nagpapadala minsan sa sinasabi ng iba o kaya naman eh kapag napa-paranoid ako at naiisip ko yung posibleng sabihin ng mga tao tungkol sa atin. Minsan din kasi takot tayo sa sasabihin ng iba lalo na kapag puro criticisms lang din. Kahit nga minsan nasasaktan tayo kasi totoo yung sinasabi nila, ‘who cares?!’ pa din ang sinasabi natin. Lahat naman talaga tayo eh may nasasabi sa ating kapwa kahit napakabuti naman nila sa atin o kaya eh kahit wala naman silang ginagawa sa atin (pero malay lang natin,’di ba?) at mas lalo pang talagang may masasabi tayo kapag ginawan tayo ng masama. Well, ganyan talaga e. Human nature ika nga. Nasa sa’yo na rin yun kung paano mo tatanggapin papuri man yan o panirang puri.
(Source: happykrissy)
Minsan, kung sino pa yung mga taong hindi mo inaasahang iwanan ka at kalimutan ka, sila pa pala yung gagawa sayo nun.
Para bang wala kayong pinagsamahan. Na pag gising mo nalang ng isang araw, parang di ka na nila kilala. Lahat ng pinagsamahan niyo, wala na. Nawala nalang ng isang iglap.
At ang masakit pa niyan, hindi mo alam kung bakit. May nagawa ka bang masama? May nasabi ka ba? Wala.
Hindi na sila yung taong nakilala mo.
Basta nalang.
Sad noh?
1. Di big deal sakanya ang itsura. Kahit pa long-distance kayo, basta mahal.. mahal ka talaga.
2. Madaling magtiwala. Para lang kayong matalik na magkaibigan. All-out ang peg.
3. Pustahan tayo, ang mga babae mas malambing talaga kaysa lalake.
4. Mas madali kang naiintindihan kapag alam nyang meron ka at mainit ang ulo mo. Moody ba.
5. Kapag mag-aaway o tampuhan lang, siya agad makikipagbati at magso-sorry.
6. Ipapaalam sa’yo lahat ng lakad kahit di mo tanungin.
7. Kadalasan, faithful yan. Magkagusto man sa iba, ikaw pa rin ang mahal niya.
8. Kahit anong pagod pa niya, di ka kakalimutang itext o kaya dalawin.
9. Pagseselosan mo lang yung mga malalandi niyang kaibigan (lalo na pag babae din).
10. At syempre, kasi masarap din silang magmahal.♥
